Tinututukan ng Palasyo ang anumang development hinggil sa nangyaring pagbagsak ng helicopter kung saan lulan si Philippine National Police Chief General Archie Francisco Gamboa kasama ang ilan pang police officials.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo, masaya ang Palasyo dahil hindi nagtamo ng major injuries si PNP Chief Gamboa at iba pa.
Nananalangin, aniya, ang Palasyo na makarekober agad ang mga sangkot sa insidente.
Base sa pinaka huling report sina Major General Jose Maria Victor Ramos at Major General Mariel Magaway ang nasa sensitibong kalagayan sa ngayon.
Kasunod nito, umaapela ang malakanyang sa publiko na iwasang gumawa ng mga espekulasyon kaugnay ng nangyaring pagbagsak ng helicopter na sinakyan nila PNP Chief Gamboa.