Palasyo, mariing kinondena ang pagpaslang sa isang mamamahayag sa Calbayog City kahapon

Mariing kinokondena ng Palasyo ng MalacaƱang ang pagpatay sa isang veteran journalist at Manila Standard correspondent na si Jesus Malabanan.

Si Malabanan ay pinatay kahapon ng hindi pa matukoy na mga salarin.

Sa ulat na natanggap ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) pinagbabaril ang biktima ng riding-in-tandem habang nanonood ng telebisyon sa loob ng kanilang tindahan sa Calbayog, Samar.


Nagawa pa umanong isugod ang biktima sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Kaugnay nito, nagsasagawa na ang PNP ng hot pursuit operation upang mahuli ang nasa likod ng krimen.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay sa mamamahayag.

Facebook Comments