Palasyo, may paalala hinggil sa pag-uumpisa ng campaign period sa bansa

Umaapela ang Palasyo ng Malakanyang sa mga kandidato, supporters at sa publiko na mahigpit na sundin ang health protocols kasunod nang opisyal na pagsisimula ng campaign period sa bansa.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexei Nograles nananatili parin ang banta ng COVID-19 kaya’t walang puwang ang pagpapabaya.

Umaasa rin itong hindi magiging super spreader event ang panahon ng kampanya.


Kaya paalala nito sa mga kandidato at kanilang supporters na tumalima sa mga patakarang inilatag ng Commission on Elections (COMELEC).

Aniya mahigpit na ipinagbabawal ang pagkamay, pagyakap, beso beso o anumang physical contact ng mga kandidato sa publiko at bawal din ang pakikipag-selfie.

Una nang nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to The People kagabi na huwag hayaang magamit o maka-impluwnesya ang drug money sa election period at sa mismong araw ng halalan.

Facebook Comments