Palasyo, may paalala sa mga magtutungo sa mall simula ngayong araw

Kasunod nang muling pagbubukas ng mga mall ngayong araw, May 16.

Muling nagpaalala ang Palasyo sa mga mall goers na sundin ang minimum health protocols upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, mandatory ang pagsusuot ng face mask, pag-implementa sa social distancing at ang palagiang paghuhugas ng kamay o pag-aalcohol at bago pumasok ay sasailalim muna sa thermal scanning.


Matatandaang sa inilabas guidelines on the operations of malls & shopping centers, iniuutos ang paglilimita ng tao sa loob ng mall o tindahan sa loob ng isang mall, isang katao kada 2 square meters, babawasan din ang open entrances habang isang companion lamang ang papayagan para sa senior citizen, buntis at Person with Disabilities (PWD) at dapat papanatilihin pa rin ang 1 metrong physical distancing.

Nililimitahan naman para sa mga senior citizen, buntis at PWDs ang paggamit ng elevator habang sa escalator ay dapat nakatayo sa every other step ang sinumang gagamit o sasakay dito.

Magkakaroon din ng mga upuan para sa mga naghihintay lalo na sa supermarket at dagdag police visibility

Ipapako din sa 26° ang temperatura ng aircon sa mall at papatayin ang wifi.

Samantala, mahigpit ding ipinagbabawal ang pagsasagawa ng sale, marketing events at iba pang aktibidad na paniguradong dadagsain ng tao

Mananatili namang sarado ang gym/fitness studios at sports facilities, entertainment industries tulad ng sinehan, kid amusement industries, personal care services tulad ng barbershop, salon, spa, waxing at manicure & pedicure shop.

Facebook Comments