Palasyo, may panawagan sa mga religious leaders kaugnay ng pagpapanumbalik ng mga religious gatherings sa GCQ areas

Pinayuhan ng Palasyo ang mga lider ng simbahan na makipag ugnayan sa kani-kanilang Local Government Officials hinggil sa pagpapanumbalik ng religious activities lalo na sa mga lugar na nasa ilalim na ngayon ng General Community Quarantine (GCQ).

Reaksyon ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque matapos ipanawagan ni Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Maynila, ang pagbubukas ng mga simbahan at ang pagpapanumbalik ng religious activities sa mga gcq areas dahil ito ay maituturing na essential services.

Ayon kay Roque, sa naunang desisyon ng Inter-agency Task for the Management of Emerging Infectious Diseases Force (IATF-EID) ay kanila nang pinapayagan ang pagdaraos ng religious activities sa mga lugar na sakop ng GCQ.


Pero, dahil sa pakiusap ng mga LGUs ay kanilang binawi ang nasabing desisyon.

Pangamba kasi ng mga Local officials na kapag pinayagang magbalik ang religous activities at alinmang mass gatherings ay dadaming muli ang kaso ng COVID-19 dahil mahirap ipatupad ang social distancing at mahihirapan silang i-monitor ang lahat ng galaw ng mga mananampalataya.

Kaya pakiusap nito sa mga religious leaders, makipag pulong sa kani-kanilang LGUs at maglatag ng mga guidelines kung paano ipatutupad ang social distancing sa mga religious activities partikular sa mga lugar na sakop ng GCQ.

Facebook Comments