
“Huwag silang maging source ng fake news”
Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng ikinasang motorcade kahapon ng mga bumabatikos sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ipinanawagan kasi ng mga ito nang magsagawa ng caravan sa EDSA na makulong ang mga sangkot sa korapsyon at magkaroon ng accountability.
Pero bumanat naman si Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro sa mga nagrally nahuwag magpaka-hipokrito.
Kinuwestiyon ni Castro kung nasaan ang mga ito sa gitna ng mga lantarang korapsiyon sa nakaraang administrasyon.
Kailangan aniya ng mga totoong lumalaban sa korapsiyon at huwag dapat maging bulag o bingi.
Hiniling din ng mga nagkilos protesta na ipaalam ang tunay na kalagayan ni Pangulong Marcos Jr. sa ilalim ng Konstitusyon.
Nilinaw naman ni Castro na patuloy nilang ipinaalam sa publiko ang lagay ng presidente.










