Ipinasa na ng Palasyo ng Malacañang sa Department of Health (DOH) ang usapin hinggil sa alert level system.
Reaksyon ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kaugnay sa apela ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na itaas sa Alert Level 3 ang status ng lalawigan sa halip na Alert Level 2.
Nangangamba kasi ang gobernador na baka dahil sa nasabing pagluluwag ay muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa Batangas.
Ayon kay Roque ang DOH na ang magpapasya hinggil dito.
Una nang sinabi ng DOH na ang datos pa rin ang tinitignang basehan sa pagdedesisyon ng susunod na alert level.
Kabilang sa mga indicators ay ang daily attack rate, two-week daily average attack rate at ang critical healthcare capacity.
Facebook Comments