Palasyo, muling iginiit na nasa mabuting kalusugan si Pangulong Duterte

126

Muling tiniyak ng Malacañang sa publiko na ipapaalam ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanila kung mayroon siyang iniindang malalang sakit bilang bahagi ng kaniyang mandato sa ilalim ng Konstitusyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malusog at malakas pa rin ang Pangulo.

Hindi rin maunawaan ni Roque kung bakit hinihiling ng ilan na magkasakit ang Pangulo gayung maaari naman sila maghintay hanggang 2022.

Iginiit din ni Roque na walang nililihim ang Pangulo.

Matatandaang sinabi ng Pangulo na malapit nang umabot sa stage one cancer ang kaniyang Barrett’s Esophagus.

Facebook Comments