Palasyo, muling nagbabala sa mga magsisinungaling ng impormasyon sa panahon ng pandemya

Nagbabala ang Malacañang sa publiko lalo na sa mga magbibigay ng mali o hindi tamang impormasyon o detalye ng kanilang mga sarili.

Sa gitna na rin ito ng 7 pasahero na galing South Africa na tinutunton pa rin hanggang ngayon ng mga awtoridad.

Nabatid na hindi kasi sila ma-contact dahil naglagay ng hindi tamang cellphone o contact number.


Paalala ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, may batas na tumutugon para sa ganitong mga paglabag o ang Notifiable Diseases Act.

Ayon kay Nograles, may kaakibat na parusa ang sinumang lalabag sa naturang batas lalo na ngayong panahon ng public health emergency.

Facebook Comments