Palasyo, muling nanindigan na hindi mandatory ang pagdalo ng ehekutibo sa pagdinig sa Senado

Muling nanindigan ang Palasyo na hindi obligadong dumalo ang mga nasa ehekutibo sa nagpapatuloy na Senate probe tungkol sa maanomalyang pagbili ng pandemic supplies ng pamahalaan.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki ang pinagkaiba ng ‘oversight function’ at ‘in aid of legislation’ dahil sa oversight function na siyang gustong gawin ni Senator Richard Gordon ay dapat nangangalap lamang ng impormasyon ang mga senador mula sa mga resource person kaya’t hindi mandatory ang pagdalo.

Habang kung ang nagaganap na imbestigasyon ay sakop ng ‘in aid of legislation’, doon lamang pwedeng mag-issue ang Senado ng subpoenas at gawing mandatory ang pagdalo ng mga sangkot sa isyu.


Dagdag pa kalihim, makalipas ang 12 pagdinig, maaaring nakuha na ng Senate Blue Ribbon Committee ang kinailangang impormasyon para sa ninanais nilang batas.

Facebook Comments