Palasyo, muling nanindigang hindi kwalipikado si VP Leni Robredo na maging susunod na Pangulo ng bansa

Nanindigan ang Palasyo na hindi angkop na maging susunod na Presidente ng bansa si Vice President Leni Robredo.

Sa kabila ito nang pagsalag ng Pangalawang Pangulo sa naging pahayag na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing hindi ang Pangulo bagkus ang taumbayan ang magdedesisyon kung karapat-dapat ba syang manilbihan bilang Presidente.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, tama si VP Leni na ang taumbayan ang siyang magdedesisyon sa kanyang kapalaran kung siya ba ang magiging susunod na Presidente, pero kabahagi aniya ng taumbayan si Pangulong Duterte at base sa kanyang karanasan ay hindi karapat-dapat sa nasabing posisyon si VP Leni.


Paliwanag pa ni Roque, dahil Pangulo ng bansa ngayon si President Rodrigo Duterte ay alam nito ang mga kakayahan na kinakailangan para maging isang presidente at base sa kaniyang naging assessment ay hindi kwalipikado na maging susunod na Pangulo ng bansa si Robredo.

Facebook Comments