Nilinaw ng Palasyo na nasa maayos ang kondisyon ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kasunod ng bigong pagkakasama ng Pangulo sa family photo ng ika-22 ASEAN Plus Three Summit dahil bahagya itong nahuli ng dating para sa photo opportunity.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nahuli ng ilang minuto ang Pangulo dahil dumaan muna ito sa rest room.
Wala naman aniyang dapat ipagalala ang publiko at wala pa ring pagbabago sa schedule ng Pangulo.
Dadalo pa rin aniya si Pangulong Duterte sa mga kaganapan ngayong araw para sa nagpapatuloy ika-35 ASEAN Summit tulad ng una nang nakatakda.
Facebook Comments