Palasyo, nag-aabang pa ng abiso mula sa NDRRMC kung magdedeklara ba ng kanselasyon ng klase at pasok sa trabaho bukas

Manila, Philippines – Inaabangan pa ng Palasyo ng Malacañang ang magiging rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC kung magdedeklara ba ng pasok bukas sa mga paaralan ang sa mga tanggapan ng pamahalaan dahil na rin sa pananalasa ng bagyong Maring.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, inaabangan pa nila ang magiging abiso ng Office of the Executive Secretary kung magdedeklara ba ng kanselasyon ng pasok bukas.

Sa ngayon naman ay patuloy ang ginagawang assessment ng gobyerno sa naging epekto ng bagyo na nagdulot ng baha sa ibat-bang bahagi ng Metro Manila at mga karatig lalawigan na naging dahilan ng paglikas ng mga residente sa mga matinding naapektuhang lugar.


Tiniyak naman ng Palasyo na maglalabas agad ng anunsyo sakaling makapagdesisyon na ang OES base narin sa abiso ng NDRRMC.

Facebook Comments