Palasyo, nagbabala sa mga mambabatas na nagsusulong ng panukalang batas laban sa confidentiality agreement

Iginiit ng Malacañang na ang pagbabawal sa pamahalaan na pumasok sa isang Confidentiality Disclosure Agreement (CDA) sa mga pharmaceutical companies ay maaring mauwi sa hindi pagbebenta ng kanilang bakuna sa Pilipinas.

Ito ang babala ng Palasyo laban sa mga mambabatas na nagsusulong ng legislation kontra CDA.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mawawalan ng saysay ang pakikipagnegosasyon ng Pilipinas sa mga pharmaceutical companies kapag nagkaroon ng batas na nagbabawal sa CDA.


Tinanong din ni Roque ang Senado kung anong mga panukalang batas ang maaaring ipasa bunga ng kanilang isinasagawang pagdinig hinggil sa vaccination program ng gobyerno.

Matatandaang ilang senador ang kumukwestyon sa pagtanggi ng ilang government officials na ilahad ang presyo ng mga bakuna, habang ang ilan ay pinupuna ang tila pagiging bias ng gobyerno dahil sa pagpili nito sa Sinovac vaccines ng China.

Facebook Comments