Palasyo, nagbunyi matapos makuha ng isang Pilipino ang Gold Medal sa Women’s Marathon sa SEA Games

SEA Games – Nagpaabot ng pagbati ang Palasyo ng Malacañang sa pagkapanalo ni Mary Joy Tabal at makuha ang kauna-unahang gold medal sa larangan ng Women’s Marathon sa nagpapatuloy na 29th Southeast Asian o SEA games na ginaganap ngayon sa Kuala Lumpur Malaysia.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakatutuwa at mayroon nang isang ginto, isang silver at dalawang blonze medals ang Pilipinas sa SEA Games.

Hangad aniya nila ang tagumpay ng mga pambato ng Pilipinas sa nasabing palaro at tinyak sa mga ito ang buong suporta ng pamahalaan sa mga atletang Pilipino saan mang larangan ng palakasan.


Facebook Comments