Palasyo, nagpa-abot ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating COMELEC Chairman Sixto Brillantes

119

Nagpa-abot ng pakikiramay ang Palasyo sa naulilang pamilya ni dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sixto Brillantes Jr.


Ito ay makaraang bawian ng buhay ang dating COMELEC Chair kaninang pasado alas-11:00 ng umaga matapos tamaan ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, napagsilbihan ng mabuti ni Brillantes ang bansa noong ito pa ay nasa pamahalaan.

Si Brillantes ay namuno sa COMELEC noong January 2011 hanggang February 2015.

Kilala rin siya bilang isang election lawyer.

Facebook Comments