Tapos na ang boksing sa leadership sa Kamara.
Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque makaraang ratipikahan ang ginawang botohan kahapon ng mga myembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at ihalal si Lord Allan Velasco bilang bagong Speaker of the House.
Ayon kay Roque, moot and academic na rin kung maituturing ang hindi pagkilala ni Rep. Alan Peter Cayetano sa pagkakahalal sa pwesto ni Velasco dahil naghain na rin naman ito ng irrevocable resignation bilang Speaker of the House kanina.
Kasunod nito, nagpaabot ng pagbati ang Palasyo kay Speaker Velasco at umaasa na maipapasa on time ang proposed 2021 national budget.
Natutuwa aniya ang Malacañang dahil pinakinggan ng mga kongresista ang pakiusap ni Pangulong Rodrigo Duterte at isinantabi ang pulitika upang tuluyan nang maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang pambansang pondo.