Manila, Philippines – Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang kay Pangulong Rodrigo Duterte na itinuturing nilang “number one man”.
Ipinagdiriwang ng Pangulo ang kanyang ika-74 na kaarawan ngayong araw.
Sa mensahe ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo – hindi pa rin nagbabago ang Pangulo at ipinamamalas pa rin ang kanyang simpleng pamumuhay.
Taun-taon sa tuwing ipagdidiwang ang kanyang kaarawan, nais lamang ng Pangulo na makasama ang kanyang pamilya at mahal sa buhay sa Davao City.
Maituturing na mapalad ang bansa na may Pangulong dedicated sa pagsupil ng ilegal na droga at kriminalidad para sa matamo ang komportableng pamumuhay sa bawat Pilipino.
Tiniyak din ng Palasyo na patuloy na gagampanan ng Pangulo ang kanyang constitutional duty upang pagsilbihan at protektahan ang taumbayan.
Binanggit din ang mga napagtagumpayan na ng Pangulo kabilang ang kampanya kontra ilegal na droga, paglaban sa korapsyon, pagbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo, libreng pagpapagamot at medisina, libreng irigasyon sa mga magsasaka, libreng feeding program para sa undernourished school children, umento sa sahod ng mga sundalo, pulis, bumbero at kawani ng pamahalaan, itaas ang SSS pension ng mga senior citizens at veterans.
Kasabay ng kanyang kaarawan, ipinapanalangin ng Palasyo sa dakilang lumikha na patuloy na bigyan ang Pangulo ng maayos na pangangatawan at isipan upang maipagpatuloy niya ang sinimulan niyang pagbabago sa bansa.