Palasyo nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng basketball legend na si Kobe Bryant

Nagpaabot ng pakikiramay ang malakanyang sa pagpanaw ng 41-years old na NBA Legend na si Kobe Bryant at ng anak nitong si Gianna Bryant matapos bumagsak ang sinasakyang nitong helicopter kaninang madaling araw sa Los Angeles, California.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nakikiramay sila sa naiwang pamilya, mga malalapit sa buhay at mga tagahanga ni Bryant.

 

Sabi pa ni Panelo, si Bryant aniya ay palaging bumibisita dito sa  Pilipinas kung saan maraming pilipino ang nagmamahal dito.


 

Dagdag pa ni Panelo, isang legend aniya ang nawala sa basketball world kaya maraming mga tagahanga nito ang namimihagti.

Facebook Comments