Palasyo, nagpapasalamat sa patuloy na tiwala ng publiko sa liderato ni Pangulong Duterte

Nagpapasalamat ang Palasyo sa patuloy na tiwala na ipinakikita ng publiko sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang reaksyon ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque ay kasunod nang lumabas na pinakabagong Pulse Asia survey kung saan nanguna ang mag-amang Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at si Pangulong Duterte sa top bets sa pagkapangulo at bise presidente sa 2022 national elections survey.

Ayon kay Roque patunay lamang ito na kahit ano man ang ipukol ng mga kritiko sa administrasyong Duterte ay naniniwala ang mga Pilipino sa liderato ng pangulo.


Sa nabanggit na survey lumabas na most preferred candidate sa pagkapangulo si Inday Sara na nakakuha ng 28%.

Habang si Pang. Duterte ay nanguna naman sa vice presidential bet na nakakuha ng 18%.

Ang survey ay isinagawa nitong June 7-16 sa 2,400 respondents nationwide.

Facebook Comments