Palasyo nagpasalamat dahil nasa ligtas na kalagayan ang mga pasahero ng PAL na nag emergency landing

855

Nagpapasalamat ang Palasyo na ligtas ang 347 passengers at 18 crew ng Philippine Airlines flight 113, na nag emergency landing sa Los Angeles International Airport alas dose ng tanghali, oras dito sa Pilipinas.

 

Matatandaan na kinailangang mag emergency landing ng eroplano matapos umusok ang isa sa mga engines nito, ilang sandali matapos magtake off sa LAX.


 

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nangyayari talaga ang mga ganitong insidente sa airlines industry.

 

Ang importante aniya ay walang masamang nangyari sa mga pasahero at ligtas ang mga sakay nito.

Facebook Comments

From Advertisers