Manila, Philippines – Nagpasalamat ang Palasyo ng Malacañang sa tulong na ibinigay nito sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, patunay lamang ito na mas maganda na ang relasyon ng Pilipinas at China at ipinapakita din nito na mataas na ang pagrespeto ng China kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Andanar na kabilang ang China sa mga bansa na unang nagpadala ng tulong sa Pilipinas sa mga panahong may kalamidad at karahasan.
Matatandaan na kinumpirma ng Malacañang na nagbigay ng 47 set ng heavy equipment ang China para makatulong sa Marawi City kung saan kabilang dito ang excavators, dump trucks, cement mixer, bulldozers at compactors.
Una naring pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China sa pagpapadala ng mga kagamitan para sa paglaban ng gobyerno sa terorismo.
Palasyo, nagpasalamat sa China sa tulong sa Marawi rehabilitation
Facebook Comments