Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang mabilis na pagsangayon ng mga mambabatas sa hiling na extension ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang december 31 sa buong Mindanao.
Ayon kay presidential Spokesman Ernesto Abella, mahalaga ang pagpapatupad ng Martial law sa mindanao upang matiyak ang kapayapaan at istabilidad sa rehiyon.
Ang rebellion sa Marawi City aniya ay nagpapatatuloy at nais aniya ng Pamahalaan na tuldukan ang kasamaan na dala ng mga terorista upang mapalaya ang nga mindanaoan mula sa violent terrorism.
Ngayong nagdesisyon na aniya ang mga mambabatas ay dapat magkaisa ang lahat para sa nation-building upang makamit ang matagal nang minimithing kapayapaan sa Mindanao.
Paliwanag ni Abella, marami pang dapat gawin sa Mindanao para magkaroon ng kapayapaan at ang muling pagbangon ng Marawi City.