Nagpapasalamat ang Malacañang sa mga alkalde ng Metro Manila sa pagsuporta sa proposal na ibaba ang capital region sa Modified General Community Quarantine sa Marso.
Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang ligtas na pagbubukas ng ekonomiya ay kailangan para matugunan ang tumataas na bilang ng mga nagugutom sa bansa habang napapanatili ang pagpapatupad ng health protocols.
Muli ring iginiit ni Roque na hindi pa rin dapat binabalewala ng publiko ang health protocols para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Pagtitiyak ng Palasyo na pag-aaralang mabuti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon at tatalakayin ito sa susunod na Cabinet Meeting na itinakda sa Lunes, February 22.
Facebook Comments