Palasyo, nakasisigurong walang magiging epekto ang inihaing protesta laban sa China sa kooperasyon ng 2 bansa hinggil sa bakuna kontra COVID-19

Siniguro ng Palasyo na hindi apektado ng panibagong diplomatic protest na inihain ng Pilipinas kontra China ang matalik na pagsasamahan ng 2 bansa.

Ito ay makaraang ianunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naghain sila ng diplomatic protest laban sa China dahil sa ilegal na pagkuha ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard sa gamit pangisda ng mga mangingisdang Pilipino sa Panatag (Scarborough) Shoal na isang traditional fishing grounds.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, bunga ng matibay na pagsasamahan ng dalawang bansa, hindi rin makakaapekto sa kooperasyon ng Pilipinas at China hinggil sa dinedevelop na gamot nito panlaban sa COVID-19.


Matatandaang nangako ang China sa bibigyang prayoridad nito ang Pilipinas kapag nadiskubre na nila ang gamot panlunas sa COVID-19.

Ito’y sa kabila ng patuloy na hindi pagkilala ng China sa pagkakapanalo ng Pilipinas sa arbitral ruling.

Facebook Comments