Palasyo nakikiisa sa pagdiriwang ng National Consciousness Day for the Elimination of Violence against Women

 

Kasabay ng pagdiriwang ng bansa ng “National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children,” nagpa abot ng kanyang pagbati at mensahe si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ayon sa Pangulo ang pagpapatupad ng Violence against women & their Children Act of 2004 gayundin ang Magna Carta of Women ay nakatulong upang makamit ang violence free homes sa buong bansa.

 

Kinikilala din ni Pangulong Duterte ang adbokasiya ng Philippine Commission on Women para maitaguyod ang karapatan ng bawat babae at bata sa bansa.


 

Kasunod nito umaasa ang Pangulo na magtatagumpay ang ilulunsad na 18-Day Campaign to End Violence Against Women ng PCW na magsisimula bukas, Nov 25 – Dec 12 at makakagawa ng malaking impact o public awareness para maitaguyod ang karapatan ng mga kababaihan at maiwas sila sa anumang uri ng diskriminasyon at harassment .

 

Tema ngayong taon ang “VAW-free community starts with me”.

Facebook Comments