Palasyo, nakikiisa sa Stop the Killing Start the Healing prayer rally kahapon ng ilang lider ng Simbahang Katoliko

Manila, Philippines – Hindi binatikos ng Palasyo ng MalacaƱang ang Stop the Killing start ng healing Prayer rally na pinangunahan ng ilang lider ng Simbahang Katoliko.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kaisa pa nga ang Administrasyon sa pananalangin para sa paghilom ng bansa.

Naniniwala aniya siyang kailangan ngayon ng dasal ng Pilipinas.


Binigyang diin din naman ni Roque na maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagnanais na makipagkasundo sa simbahang katoliko.

Hindi din naman na binanatan ni Roque ang mga organizers ng nasabing prayer rally kahit pa kilala ang ilan sa mga ito na kaanib ng oposisyon.

Ayon kay Roque, iginagalang nila ang karapatan ng bawat Pilipino na ihayag ang kanilang saloobin.

Samantala, dumaan naman si dating Presidential Spokesman Erneto Abella sa press working area sa Malacanang kung saan nagpaalam na ito.

Hindi naman sinabi ni Abella ang eksaktong posisyon kung saan siya inilipat ni Pangulong Duterte pero mayroon pa rin naman aniya itong kinalaman sa komunikasyon.

Facebook Comments