Palasyo, nakikiramay sa pagpanaw ni dating Sen. Tessie Aquino-Oreta

Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo sa naulilang pamilya ni dating Senator Tessie Aquino-Oreta.

Si dating Senator Oreta ay pumanaw kahapon, May 14, 2020 sa edad na 75.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque nakikiramay ang Malakanyang sa pagpanaw ng isa sa mga batikang public servant ng bansa.


Si Oreta ay nagsilbi bilang Senador nuong 11th at 12th Congress.

Naging Kongresista din ito noong 8th, 9th at 10th Congress.

Hindi naman na isinapubliko pa ng Pamilya Oreta ang sanhi ng ikinamatay ng mambabatas.

Facebook Comments