Nakiusap ang Malacañang sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague na tigilan na ang pag-iimbestiga nila kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Pangulong Duterte ay nahaharap sa mga alegasyong crimes against humanity dahil sa Giyera kontra Droga.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi na uusad pa ang imbestigasyon lalo na at kinilala ng Korte Suprema ang pagbawi ng Pilipinas mula sa Rome Statute ng ICC.
Hindi na dapat inaaksaya ng ICC ang panahon nito sa imbestigasyon dahil hindi kinikilala ng Pilipinas ang hurisdiksyon nito.
Iginiit ni Roque na chief architect ng foreign policy ng Pilipinas si Pangulong Duterte.
Nagpapasalamat ang Palasyo sa Kataas-taasang hukuman sa pagbasura sa petisyon.
Ang Rome Statute ay isang tratado na itinatag ng ICC na layong imbestigahan ang mga indibiduwal na nasasangkot sa genocide, crimes against humanity, war crimes, at aggression crimes.