Palasyo, nanawagan ng pagkakaisa sa halip na pairalin ang pananamantala sa mga biktima ng Bagyong Odette

Umaapela ang Palasyo sa ating mga kababayan na pairalin ang Bayanihan spirit kaysa manlamang sa kapwa.

Ang panawagan ay ginawa ng Malakanyang kasunod ng mga ulat na overpriced na mga pangunahing bilihin gaya ng ibinebentang gasolina sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette.

Pakiusap ni acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexei Nograles, dapat sana ay ang pagtutulungan ang umiral lalo na’t marami ang nangangailangan.


Kaugnay nito, nagbigay na aniya ng kautusan sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan si Pangulong Rodrigo Duterte na tutukan ang mga nanamantalang mga negosyante at ipataw ang kaukulang parusa sa mga ito at mahigpit na bantayan ang presyuhan ng mga pangunahing bilihin sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Facebook Comments