Palasyo, nanawagan sa mga magulang na pairalin ang ‘parental authority’ sa pagsama sa mga bata sa mga mall at iba pang lugar pasyalan

Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na may obligasyon ang mga magulang na gamitin nito ang tamang pagpapasya para sa kanilang mga anak sa gitna ng desisyon ng pamahalaan na payagan nang makapag-mall o makagala ang mga bata sa kabila ng banta ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, hindi naman kayang protektahan ng estado sa lahat ng pagkakataon ang bawat isa lalo na ang mga bata.

Giit nito, kaya nga naririyan ang mga magulang na siyang may karapatang gamitin ang kanilang legal obligation at parental authority upang maibigay ang proteksyon sa kanilang mga anak.


Aniya, kung nakita naman ng mga magulang na maraming tao o siksikan ay huwag nang ipilit pa na makapasok lalo na’t bitbit nila ang kanilang mga tsikiting.

Panghuli, paalala nito sa publiko na kung nais nating matamasa ang ganitong kaluwag na restrictions ay dapat mahigpit na sundin ang health and safety protocols.

Facebook Comments