Palasyo, nanawagan sa publiko na sundin ang minimum public health standards kasunod ng banta ng monkeypox

Hinihimok ng Palasyo ng Malacañang ang publiko na mahigpit pa ring sundin ang minimum public health standards.

Ginawa ni acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang panawagan kasunod ng banta ng monkeypox na kung saan may mga kaso na sa ilang mga bansa.

Ayon kay Andanar, sinabi ni Health Usec. Abdullah Dumama sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi na pinaigting na ng Department of Health (DOH) ang four-door strategy gayundin ang screening process sa mga border ng bansa upang maiwasan ang pagpasok ng monkeypox sa Pilipinas.


Una nang sinabi ng DOH na hindi ganoon kadelikado ang monkeypox dahil base sa mga pag-aaral ng mga eksperto, nasa 1% lamang ang fatality rate nito at hindi na rin aniya bago ang sakit na ito.

Magkagayunman, mahalaga ang pagtalima sa minimum public health standards dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments