Palasyo, nangakong tutulong sa mga naging biktima ng pagbagsak ng tulay sa Bohol

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na tutulungan ng pamahalaan ang mga naapektuhang residente at komunidad sa pagbagsak ng Clarin Bridge sa Loay, Bohol, noong Miyerkules.

Ayon kay Communications Secretary at acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga otoridad kaugnay sa insidente, kung saan apat na indibidwal ang napaulat na nasawi.

Kaugnay nito, nagpaabot na ng pakikiramay at panalangin ang Palasyo sa mga naulilang pamilya ng mga nasawi.


Umaasa rin ang kalihim na agad na makaka-recover ang mga indibidwal na napaulat na nasugatan sa insidente.

Base sa paunang imbestigasyon, overloading ang naging sanhi ng pag-collapsed ng tulay.

Facebook Comments