Palasyo, nanindigang dapat sundin ang inilalabas na IATF resolutions

Binigyang-diin ng Malakanyang na kailangang ipatupad ng lahat ng lokal na pamahalaan sa bansa ang mga health protocols at guidelines na nakapaloob sa mga resolusyong inilalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque kasunod ng apela ng ilang Local Government Units (LGUs) na nais pa rin nilang gawing requirement ang pagkakaroon ng negative swab test result ng mga indidbiwal na tutungo sa kanilang nasasakupan, kahit pa fully vaccinated na ang mga ito laban sa COVID-19.

Ayon kay Secretary Roque, naririnig naman ng IATF ang lahat ng concern at apela ng mga LGU at iba pang sektor kaugnay sa mga guideline.


Sa pagpupulong aniya ng IATF mamaya ay inaasahang matatalakay ito.

Gayunpaman, habang wala pang ibinababang pagbabago ang IATF sa una na nitong mga resolusyon, kailangan pa ring ipatupad ito ng mga LGU, lalo’t in-adopt aniya ang mga resolusyong ito sa ngalan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments