Palasyo, nanindigang ‘legally binding’ ang verbal agreement ng Pilipinas sa China

Manila, Philippines – Nanindigan ang Malacañang na “legally binding” ang “verbal agreement” nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping hinggil sa pangingisda ng mga Tsino sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ito ay makaraang sabihin nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi polisiya at hindi maipapatupad sa bansa ang nasabing kasunduan dahil hindi naman ito naka-dokumento.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – bilang tagapagsalita ng Pangulo ay sinasabi niya lang kung ano ang posisyon nito.


Giit pa ni Panelo – hindi pa naman cabinet members noon sina Locsin at Nograles nang napag-usapan ang kasunduan noong 2016.

Sa kabila nito, sinabi ni Panelo na hindi naman sa kinokontra nilang tatlo ang isa’t isa.

Facebook Comments