Palasyo, nanindigang nailabas na ang lahat ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 2

Tiniyak ng Malacañang na na-release na ang lahat ng P165 billion Bayanihan 2 Law funds sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Reaksyon ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa puna ni Vice President Leni Robredo na nabigo ang Duterte administration na gastusin ang nasa P6 bilyon na pondo ng Bayanihan 2 na napaso noong June 30.

Katwiran ni Roque, lahat ng pondo ng Bayanihan 2 ay naibaba sa line agencies.


Aniya, mayroong hanggang July 15 ang mga ahensya ng pamahalaan para mag-ulat sa Department of Budget and Management (DBM) kung magkano pa sa kanilang pondo ang hindi pa nagagalaw o nagagastos.

Giit ng kalihim, maiging hintayin muna ni VP Leni ang ulat ng DBM bago gumawa ng anumang konklusyon.

Una nang sinabi ng Palasyo na ang proposed P405 billion Bayanihan 3 na layuning pasiglahin muli ang ating ekonomiya ay nakadepende sa pondong nagamit sa ilalim ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2.

Facebook Comments