Palasyo, nanindigang nasa hurisdiksyon ng Ombudsman ang pagsasapubliko ng SALN ng mga government officials

Ipinauubaya na lamang ng Malakanyang sa Office of the Ombudsman ang pagpapasya kung papayagan o hindi na maisapubliko ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ng mga government officials.

Tugon ito ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa isang sulat na ipinarating ng isang Atty. Dino de Leon sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Laman ng liham ang paghingi ng kopya ng SALN ni Pangulong Duterte pero hindi ito kinatigan ni Ombudsman Samuel Martires.


Giit ng Ombudsman, may memorandum nang lumabas kung saan dapat munang kuhanin ang consent ng may-ari ng SALN.

Kasunod nito iginiit ni Atty. De Leon na dapat magkusa si Pangulong Duterte sa pagsasapubliko ng kanyang SALN sa ngalan ng transparency.

Gayunman, sinabi ni Roque na consistent ang posisyon ng Palasyo dito na nasa hurisdiksyon na ng Ombudsman ang nasabing usapin.

Facebook Comments