Nanindigan ang Malacañang na nasa tamang oras at alinsunod sa batas ang pagsusumite ng Pangulo ng kanyang 2018 Statements of Liabilities and Networths o SALN.
Ito ang tugon ng Palasyo sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) tungkol sa hindi paglalabas ng Pangulo ng kanyang 2018 SALN.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – sinunod ng Pangulo ang nakasaad sa batas sa pagsusumite ng SALN.
Mayroon ding wastong proseso para makakuha ng kopya ng SALN ang sinuman.
Paglilinaw pa ni Panelo – ang Office of the Ombudsman at hindi ang Office of the President ang nag-iingat ng kopya ng SALN ng Pangulo at iba pang opisyal.
Pwede aniyang humiling ang PCIJ ng kopya ng SALN ng Pangulo sa Ombudsman.
Gayumpanan, walang kontrol ang Office of the President sa kung ano ang gustong gawin ng Ombudsman kaugnay ng request para sa SALN.