Palasyo, naniniwalang bababa na ang presyo ng RT-PCR test

Kumpiyansa ang Malakanyang na bababa na ang pagpapa-RT-PCR test ngayon.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, may iba na kasing pamamaraan para malaman kung ang isang indibidwal ay positibo o hindi sa COVID-19.

Sinabi ni Nograles, sa ngayon kasi ay available ang antigen test kung saan mayroon na ring self-administered home testing kit.


Paliwanag ni Nograles na kapag may opsyon ang mga tao, maaaring magkaroon ng adjustment sa presyo ng isang commodity at kasama na riyan ang RT-PCR test.

Kaugnay nito, hindi naman inaalis ni Nograles na baka mapag-usapan ito bukas sa gaganaping pulong ng Inter-Agency Task Force.

Facebook Comments