Palasyo, naniniwalang hindi dapat mawalan ng trabaho ang janitress na hindi pumayag makagamit ng comfort room ng mga babae si Gretchen Diez

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo na ang insidenteng kinasangkutan ng isang janitress ng isang mall sa Quezon City at ng transwoman na si Gretchen Diez ay hindi dapat maging dahilan upang matanggal ito sa trabaho.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, dahil sa humingi na ng tawad ang janitress at inamin rin naman nito ang pagkakamaling nagawa.

Bukod dito, nagpahayag na rin daw ito na handa siyang pag-aralan ang karapatan ng mga miyembro ng LGBT Community.


Kaugnay nito, sinabi ng Palasyo na suportado ng Pangulo ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Bill, maging ang pagkakaroon 3rd restrooms para sa mga miyembro ng LGBT Community.

Facebook Comments