Hindi pa napapanahon para gawing batas o mandatory ang COVID-19 vaccination.
Reaksyon ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque makaraang sabihin kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People na aakyatin o pupuntahan sa tahanan ang mga ayaw magpabakuna at babakunahan ang mga ito habang sila ay natutulog.
Ayon kay Roque ‘joke’ lamang ito ng pangulo.
Pero sa ngayon, hindi pa kailangan ng batas na magmamandato sa pagbabakuna dahil sa katunayan ay marami na ang nais na magpabakuna.
Giit pa nito, tatapusin muna ang vaccination program at kapag tapos na ay doon na lamang pag-aaralang muli ang naturang suhestyon.
Sa huli, ipinasa na ng kalihim sa Kongreso kung nais nila magpasa ng nabanggit na batas.
Facebook Comments