Palasyo, naniniwalang in good faith ang pagsulat ni AFP Chief of Staff Gen. Santos sa Chinese embassy hinggil sa ginamit nitong gamot laban sa COVID-19

Naniniwala ang malakanyang na walang masamang intensyon si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Filemon Santos nang sumulat ito at humingi ng tulong sa chinese embassy kamakailan para sa gamot na kailangan nito noong siya ay dapuuan ng COVID-19.

Ang sinasabi kasing gamot na hinihiling noon ni General Santos ay gawa ng China at walang Food and Drud Administration (FDA) approval.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Atty. Harry Roque, wala naman siyang nakikitang masamang intensyon sa ginawa ni general santos maliban sa kagustuha nitong mapabilis ang proseso ng pagdating sa bansa ng naturang gamot para magamit din ng ibang may COVID-19.


Hindi rin naman aniya nagtitinda si General Santos ng nasabing gamot kundi ginamit lamang ito sa kaniyang sarili na naging daan ng kaniyang paggaling.

Samantala sa Laging handa public press briefing iginiit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na bagamat naniniwala syang wala sa lugar ang ginawang pagsulat ni General Santos sa Chinese embassy, dahildapat ay idinaan mua sa Department of Foreign Affairs (DFA), naiintindihan nya ang naging karanasahan nito na nuon ay desperadong gumaling sa COVID-19.

Facebook Comments