Palasyo, naniniwalang si Pangulong Duterte pa rin ang chairman ng PDP-Laban

“No comment” si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatalsik sa kanya bilang chairman ng Partido Demokratiko Pilipino -Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nananatiling si Pangulong Duterte pa rin ang chairperson ng PDP-Laban.

Sinabi pa ni Roque na sa pananaw ng presidente, nananatili siyang chairman ng partido at kinakailangang mapagdesisyunan ito ng Korte Suprema bago siya patalsiking pinuno.


Matatandaang inihalal si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III bilang bagong party chairman na hahalili sa pangulo.

Resulta ito ng sigalot o paksyon sa partido kung saan ang isa ay pinamumunuan ni Senator Pimentel at Senator Manny Pacquiao at ang isang paksyon naman ay pinangangasiwaan ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Ang Cusi faction ay inendorso si Pangulong Duterte bilang manok sa pagka-bise presidente habang ang isang paksyon ay nakatakdang iendorso si Senator Pacquiao bilang standard bearer ng partido.

Facebook Comments