Naniniwala ang Malacañang na walang kinalaman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pekeng Facebook accounts at pages na isinara ng social media giant dahil sa paglabag ng kanilang polisiya.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos burahin ng Facebook ang 57 accounts, 31 pages, at 20 instagram accounts dahil sa paglabag nito sa polisiya laban sa foreign o government interference.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga tinanggal na FB pages at accounts ay hindi pagmamay-ari ng AFP.
“We have to believe the Armed Forces of the Philippines when they said that they have no official pages taken down by Facebook,” sabi ni Roque.
Iginiit ni Roque, may kalayaan ang mga government official na ihayag ang kanilang mga sentimiyento hinggil sa ilang isyu.
Gayumpaman, sinabi ng Palasyo na ang code of conduct para sa government officials ay sakop ang kanilang personal social medial accounts.