Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na natanggap na ng Palasyo ang panukalang batas na nag-aamyenda sa Human Security Act o ang Anti-Terrorism bill.
Ayon kay Roque, na kay Pangulong Rodrigo Duterte na ang bola kung ito ay kanyang isasabatas o ibi-veto.
Sinabi ni Roque na pag-aaralan at susuriing mabuti ng Pangulo ang bawat probisyon para masigurong wala itong malalabag na batas.
Matatandaang sinertipikahang “urgent” ni Pangulong Duterte ang Anti-Terrorism Bill.
Sa ngayon, inuulan ng batikos ang panukala dahil posible umano itong maabuso ng mga otoridad dahil baka ideklara bilang mga terorista ang mga aktibista at kritiko ng administrasyong Duterte.
Facebook Comments