Inilayo ng Department of Energy (DOE) ang Palasyo ng Malacañang at Kamara sa pag-terminate nito sa halos 12,000 MW na kontrata ng Solar Philippines na itinatag ni Rep. Leandro Leviste.
Ayon kay Energy Sec. Sharon Garin, na hindi na sila kailangang utusan pa dahil mandato nila ito kasunod ng pagkansela ng mga kontrata ng kumpanya noong 2019 at 2024.
Ito’y bilang bahagi ng taunan nilang ‘paglilinis’ sa hindi maaasahang developers.
Ipinauubaya na umano nito sa Department of Justice (DOJ) kung anong magiging multa o parusa sa Solar Philippines, at nilinaw na estimate pa lamang ang P24 bilyon na penalty nito.
Sa kabila nito, maaari pa naman aniyang umapela sa korte ang solar firm na sa pagkakaalam ng ahensya, kay Cong. Leviste pa rin ang 99% ownership.










