Nilinaw ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang polisiya ng pamahalaan hinggil sa mga kompanya na nag-angkat ng bakuna na libre para sa empleyado pero mayroong cost reimbursement para sa mga pamilya ng kanilang empleyado.
Ayon kay Roque, nananatili ang patakaran ng pamahalaan na basta’t inorder ang mga bakuna para sa mga taong nag-order at hindi makakarating sa ibang mga tao o hindi ibebenta sa ibang tao ang mga bakuna ay pinapayagan ito ng pamahalaan.
Ani Roque, pinapayagan ang reimbursement for cost basta’t walang profit o kita rito ang nag-angkat ng mga bakuna.
Giit pa ng kalihim, ang pag-aangkat ng mga bakuna ay dapat sa pamamagitan ng tripartite agreement o sa panig ng Department of Health (DOH), National Task Force (NTF) at ng pribadong sektor.
Samakatuwid, pwede ang cost sharing na sinisingil ng ilang mga kompanya sa pamilya ng kanilang empleyado basta’t hindi ito ibebenta sa iba.