Palasyo nilinaw na hindi hihingi ng rekonsiderasyon sa Amerika hinggil sa pagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na makapasok sa kanilang teritoryo

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi naman sila humihiling ng rekonsiderasyon sa US Secretary of State kaugnay sa posibleng pagbawal na makapasok sa Estados Unidos ang mga PH Officials na umano’y mayroong kinalaman sa pagkakakulong ni Senator Leila De Lima.

 

Ginawa ni Secretary Panelo ang pahayag matapos maglabas ng statement si Senator De Lima kung saan sinabi nito na hindi naiintindihan ng tagapagsalita ng pangulo ang significance ng US law na ito, na hindi sila maaaring humingi ng reconsideration.

 

Ayon kay Secretary Panelo, malinaw naman ang una na niyang mga naging pahayag na hindi sila makikialam sa proseso sa Estados Unidos, lalo’t ayaw rin naman natin na mayroong nakikialam sa mga proseso dito sa Pilipinas.


 

Ayon sa kalihim, ang sinabi lang niya ay umaasa sila na magbababa ng informed and educated judgement ang US secretary of state sa pagba- ban ng mga indibidwal lalo’t hindi naman “wrongful detention” ang kinahaharap ngayon ng senadora.

 

Nabanggit rin aniya ng us ambassador sa kaniya na sumasangayon ito sa kaniyang naging pahayag.

 

Sa statement naman ng senadora na umaasa itong ngayon taon na sana ang huling beses na magdiriwang siya ng pasko sa kulungan, ayon kay Secretary Panelo, korte lamang ang makapagde- desisyon dito.

Facebook Comments