Palasyo, nilinaw na sa mga pampublikong transportasyon lamang nire-require ang pagsusuot ng face shield

Binigyang diin ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hindi naman mandatory ang pagsusuot ng face shield kapag lalabas ng bahay.

Ayon kay Roque, ang Department of Transportation (DOTr) lamang ang may kautusan na kapag sasakay ng mga pampublikong transportasyon simula August 15, 2020, ay dapat may suot din na face shield bukod pa sa face mask.

Paliwanag naman ng kalihim hinggil naman sa pagtutol ni Senator Imee Marcos sa nasabing kautusan dahil tiyak na dagdag gastos lamang ito sa mga ordinaryong Pilipino, kaligtasan ng bawat isa ang dapat na isaalang-alang ngayong may pandemya.


Base kasi sa pag-aaral ng mga eksperto, sa droplets ng positibong pasyente naipapasa ang virus kaya mas mainam na sapat ang proteksyon lalo na kapag sasakay ng mass transportation.

Alinsunod sa kautusan ng DOTr, ipatutupad ang mandatong ito sa lahat ng mga pampublikong sasakyan tulad sa tren, bus, jeepney, taxi, passengers vessels at maging sa eroplano.

Facebook Comments