Nilinaw ng Malacañang na wala pang utos si Pangulong Rodrigo Duterte na ipahinto ang pag-aangkat ng bigas sa bansa.
Kasunod ito ng lumabas na ulat na iniutos ng pangulo ang pagsusnpindi sa importation ng bigas upang matulungan ang mga magsasaka sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala pang ganitong direktiba na ibinibigay ang Pangulo sa Department of Agriculture Sec. William Dar.
Mababatid na noong Pebrero nang lagdaan ng Pangulo ang Rice Tarrification Law o malayang pag-aangkat ng bigas.
Kamakailan lamang nang umaray ang mga magsasaka sa bansa dahil sa mababang buying price ng palay.
Facebook Comments